Tuesday, February 23, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 25 Huwebes sa Unang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 7:7-12

 

Mabuting Balita: Mateo 7:7-12
7 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, humingi at kayo’y bibigyan; magha­nap at matatagpuan ninyo; kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. 8 Talaga ngang tumatanggap ang humi­hingi, naka­kakita ang naghahanap, at pagbu­buksan ang kuma­katok.   

9 Sino sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung tinapay ang hinihingi nito? 10 Sino ang magbi­bigay ng ahas kung isda ang hinihingi nito? 11 Kahit masama kayo, marunong kayong magbigay ng mabu­ting bagay sa inyong mga anak. Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa Langit? Mag­bibigay siya ng mabubuting bagay sa mga hihingi sa kanya.

12 Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta.

No comments: