Thursday, February 18, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 18 Huwebes pagkaraan ng Miyerkules ng Abo: Lucas 9:22-25


Mabuting Balita: Lucas 9:22-25
22 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kaila¬ngang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

23 Sinabi naman ni Jesus sa lahat: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin. 24 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawa¬walan nito, at ang mawawalan ng kanyang sarili alang-alang sa akin ay siyang ma¬ka¬¬pagliligtas nito. 25 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daig¬dig at mawawala naman o mapapahamak ang kanyang sarili?  


No comments: