Friday, January 22, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 24, Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 1:14-20


Mabuting Balita: Marcos 1:14-20
14 Pagkadakip kay Juan, pumunta si Jesus sa Galilea. Doon niya ipina­hayag ang magandang balita ng Diyos sa pagsa­sabing 15 “Sumapit na ang panahon; mag­bagong-buhay at mani­wala sa magandang balita; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.”  

16 Sa pagdaan ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya si Simon ka­sama si Andres na kapatid niya na naghahagis ng mga lambat sa lawa; mga mangingisda sila. 17 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” 18 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 

19 Nagpatuloy pa siya nang kaunti, nakita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo; nasa bangka sila at nagsusursi ng kani­lang lambat. 20 Tinawag sila ni ­Jesus. Agad nilang iniwan sa bangka ang kanilang amang si Zebedeo kasama ang mga tauhan nito, at umalis silang kasunod niya.

No comments: