Saturday, January 02, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 3, Ang Pagpapakita ng Panginoon (Dakilang Kapistahan): Mateo 2:1-12



Mabuting Balita: Mateo 2:1-12
1 Pagkapanganak kay Jesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang ilang pantas mula sa Silangan. 2 Nag­tanong sila: “Nasaan ang bagong silang na hari ng mga Judio? Nakita namin ang pagsikat ng kanyang tala sa Silangan at naparito kami para sambahin siya.” 3 Nang marinig ito ni Herodes, na­ligalig siya at ang buong Jerusalem. 4 Ipinatawag niya kaagad ang buong kaparian at ang mga dalubhasa sa Batas, at itina­nong sa kanila kung saan ipanganganak ang Me­siyas. 

5 At sinabi nila: “Sa Betlehem ng Juda sapagkat ito ang isinulat ng Propeta: 6 “At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakaaba sa mga angkan ng Juda, sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno: siya ang magiging pastol ng aking bayang Israel.” 7 Kaya lihim na tinawag ni Herodes ang mga pantas at hiningi sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa sumikat na tala. 8 At saka niya sila pina­punta sa Betlehem at sinabi: “Pumunta kayo at alamin ang tung­kol sa bata. Pagkakita ninyo sa kan­ya, bumalik kayo sa akin para maka­punta rin ako sa kanya at makasamba.” 

9 Umalis sila pagkarinig nila sa hari. Nagpauna sa kanila ang tala na nakita nila sa Silangan, at tumigil ito sa itaas ng lugar na kinaroroonan ng sanggol. 10 Labis na natuwa ang mga pantas nang makita nilang muli ang tala! 11 Pumasok sila sa bahay at nakita nila ang sanggol kasama ni Mariang kan­yang ina. Lumu­hod sila at sumam­ba, at binuksan ang kanilang mga mama­haling dala at hinandugan siya ng mga regalong ginto, kamanyang at mira. 12 At nag-iba sila ng daan pag-uwi nila sa kanilang lupain dahil binilinan sila sa pana­ginip na huwag nang bumalik kay Herodes.

No comments: