37 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila: “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sinabi naman nila: “At kami pa pala ang bibili ng tinapay – dalawandaang denaryo, di ba? At bibigyan namin sila.” 38 Ngunit sinabi niya: “Ilang tinapay meron kayo? Sige, tingnan ninyo.” At pagkatingin nila ay kanilang sinabi: “Lima at may dalawa pang isda.”
39 Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin
nang grupu-grupo ang ma-kapal na tao sa berdeng damuhan. 40 At naupo
silang grupu-grupo, tigsasandaan at tiglilimampu. 41 Kinuha niya ang
limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nagpuri, hinati ang mga
tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad para ibigay din nila sa mga tao.
Gayundin naman, hinati niya ang dalawang isda. 42 At kumain silang lahat
at nabusog, 43 at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang
punong basket ang mga piraso ng tinapay pati na ang mga piraso ng isda.
44 Mga limanlibong lalaki ang napakain.
No comments:
Post a Comment