Sunday, January 03, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 4, Lunes; Santa Isabel Ana Seton: Mateo 4:12-17, 23-25


Mabuting Balita: Mateo 4:12-17, 23-25
12 Nang marinig ni Jesus na dinakip si Juan, lumayo siya pa-Galilea. 13 Hindi siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at Neftali. 14 Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: 15 “Makinig kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang ibayo ng Jordan; pa­-king­gan ako, Galileang lupain ng mga pagano. 

16 Nakakita na ng malaking liwa­nag ang mga lugmok sa kadiliman. Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.”  17 At magmula noon, sinimulang ipa­hayag ni Jesus ang kanyang mensahe: “Magbagong-buhay; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.” 23 Nagsimulang maglibot si Jesus sa buong Galilea. Nagturo siya sa kani­lang mga sinagoga, ipinahayag ang Mabu­ting Balita ng Kaharian at pina­galing ang kung anu-anong klase ng sakit at kapansanan ng mga tao. 

24 Lumaganap sa buong Siria ang ba­li­ta tungkol sa kanya. Kaya dinala sa kan­ya ang mga may karamdaman, ang lahat ng naghihirap dahil sa sakit, ang mga ina­alihan ng demonyo, ang mga nasisi­raan ng bait, ang mga para­litiko, at pina­galing niya silang lahat. 25 Sinun­dan siya ng maraming taong galing sa Galilea, sa Sampung Lunsod, sa Jerusalem, sa Judea at sa kabilang ibayo ng Jordan.

No comments: