Tuesday, January 26, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 26, Martes San Timoteo at San Tito, mga Obispo (Paggunita): Lucas 10:1-9


Mabuting Balita: Lucas 10:1-9
1 Pagkatapos nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat ba¬yan at lugar na takda niyang pun¬tahan. 2 Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga mang¬gagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko ka¬yong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong ba¬tiin ang sinuman sa daan. 

5 Saanmang bahay kayo pumasok, sa¬bihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapaya¬pang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y mag-babalik sa inyo ang inyong dasal. 7 At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at umi¬nom na kasalo nila sapag¬kat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sa¬hod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay. 

• 8 Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anu¬mang ihain sa inyo. 9 Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaha¬rian ng Diyos.’

No comments: