Thursday, January 21, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Enero 22, Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Taon: Marcos 3:13-19


Mabuting Balita: Marcos 3:13-19
13 Umakyat si Jesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya. 14 Sa gayon niya hinirang ang La­bin­­­­-da­lawa (na tinawag din niyang Mga Apos­tol) upang makasama niya at ma­ipadala sila para mangaral 15 at mag­ka­roon ng kapang­yarihan para pa­la­yasin ang mga demonyo. 

16 Kaya itinalaga niya ang Labinda­lawa at tinawag na Pedro si Simon, 17 at  si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi’y “Sina-Parang-Kulog”; 18 at saka si An­dres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo,  19 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magka­kanulo sa kanya.

No comments: