Kaya lumayo si Jesus na kasama ang kanyang
mga alagad papunta sa dagat. Maraming taga-Galilea ang sumunod sa kanya.
Mayroon din namang mga taong galing sa Judea 8 at Jerusalem, at sa Idumea
at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa Tiro at Sidon. Maraming-marami ang
nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang lahat niyang ginagawa.
9 Kaya tinagubilinan niya ang kanyang
mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa kanya dahil maraming tao, at baka
nila siya maipit. 10 Marami na siyang pinagaling kaya pilit siyang
inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo siya. 11 Sinusugod siya ng
mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita sa kanya at pasigaw nilang sinasabi:
“Ikaw ang Anak ng Diyos.” 12 Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang
ibunyag.
No comments:
Post a Comment