Saturday, December 12, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Disyembre 13, Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Juan 1:6-8, 19-28


Mabuting Balita: Juan 1:6-8, 19-28
May taong sugo ang Diyos – Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para sa pagpapatunay, para magpatunay tungkol sa Liwanag, upang makapanalig ang lahat sa pama­magitan niya. Hindi siya mismo ang Liwanag, kundi para magpatunay tungkol sa Liwanag. 

19 Ito ang pagpapatunay ni Juan nang papuntahin sa kanya ng mga Judio ang ilang mga pari at Levita mula sa Jerusalem para tanungin siya: “Sino ka?” 20 Inako niya di ipinagkaila, inako nga niyang “Hindi ako ang Kristo.” 21 At tinanong nila siya: “Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” At sinabi niya: “Hindi.” “Ang Propeta ka ba?” Isinagot naman niya: “Hindi” 22 Kaya sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba? Para may mai­sagot kami sa mga nagpapunta sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa ‘yong sarili?”  

23 Sumagot siya gaya ng sinabi ni Propeta Isaias: “Tinig ako ng isang sumisigaw sa disyerto: Tuwirin ang daan ng Panginoon.” 24 May mga pinapunta mula sa mga Pariseo. 25 At tinanong nila siya: “Eh, ba’t ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?” 26 Sina­got sila ni Juan: “Sa tubig ako nag­bibin­yag ngunit may nakatayo sa piling ninyo na hindi n’yo kilala. 27 Siya ang dumating na kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat magkalag ng panali ng kanyang panyapak.”  

28 Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang-ibayo ng Jordan na pinag­bi­binyagan ni Juan.

No comments: