4 Kaya may nagbibinyag sa disyerto – si Juan – at ipinahahayag niya ang binyag na may kasamang pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan. 5 Nagpuntahan sa kanya ang lahat ng taga-Judea at mga naninirahan sa Jerusalem. Inamin nila ang kanilang mga kasalanan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan.
6 May balabal na
balahibong-kamelyo at pang-ibabang damit na katad si Juan, at mga balang at
pulot-pukyutang-gubat ang kinakain. 7 At ito ang sinabi niya sa kanyang
pangangaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi
nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak.
8 Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.”
No comments:
Post a Comment