Monday, December 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 22, Martes mga huling araw ng Adbiyento: Lucas 1:46-56

 


Mabuting Balita: Lucas 1:46-56

46 Sinabi ni Maria:

“Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon

47 at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas

48 dahil isinaalang-alang niya ang abang utu­san niya,

at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi.

49 Dakila nga ang ginawa sa akin ng Ma­kapangya­rihan,

banal ang kanyang Pangalan.

50 Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi

para sa mga may pitagan sa kanya.

51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig,

ipinagtabuyan ang mga taong may ma­pagma­taas na balak.

52 Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapang­yarihan,

itinampok naman ang mga bale-wala.

53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga na­gugutom

at itinaboy namang walang-wala ang maya­yaman.

54 Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod,

inalaala ang kanyang awa

55ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno,

kay Abraham at sa kanyang angkan mag­paka­ilanman.”

56 Mga tatlong buwang nanatili si Ma­riang ka­sa­ma ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.

No comments: