72 Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno at inalaala ang banal niyang tipan, 73 ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham 74 na ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway, upang walang takot natin siyang mapaglingkuran, 75 nang may kabanalan at katarungan sa harap niya sa buong buhay natin.
76 At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan. Mangunguna ka nga sa Panginoon para ihanda ang kanyang daan. 77 Ituturo mo ang kaligtasan sa kanyang bayan sa pagpapatawad niya sa kanilang mga sala. 78 Ito ang gagawin ng maawaain nating Diyos sa pagpapasikat niya sa atin ng araw na galing sa kaitaasan 79 upang liwanagan ang mga nananatili sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at akayin ang ating mga yapak sa daan ng kapayapaan.”
No comments:
Post a Comment