36 May isa ring babaeng propeta, si
Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pagkaalis
sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa,
37 at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo.
Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t apat na taon na siya. 38 Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem.
39 Nang matupad na ang lahat ng ayon
sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea.
40 Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at
sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
No comments:
Post a Comment