14 Bumangon
si Jose, at nang gabi ring iyo’y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto.
15 Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad
ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Tinawag ko ang aking anak
mula sa Ehipto.”
16 Nagalit
naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya
iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig
nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng
pagsikat ng tala ayon sa mga pantas.
17 Kaya
nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: 18 “Narinig sa Rama ang pagtangis,
iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at
ayaw paaliw pagkat wala na sila.”
No comments:
Post a Comment