Saturday, December 26, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 26, Sabado; San Esteban unang martir (Kapistahan) Mateo 10:17-22

 

Mabuting Balita: Mateo 10:17-22
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 17 Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sang­gu­nian at hahagu­pitin kayo sa kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong mag­bigay-­patotoo sa ka­nila at sa mga pagano. 

• 19 Pag nilitis naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. 20 Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espi­ritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. 

21 Ipapapatay ng kapatid ang sari­ling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. 22 Ka­mu­muhian kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit ang mananatiling matatag hanggang wakas ang siyang mali­ligtas.

No comments: