Wednesday, December 23, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 23, Miyerkules mga huling araw ng Adbiyento: Lucas 1:57-66


Mabuting Balita: Lucas 1:57-66
57 Nang sumapit na ang panga­­nga­nak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. 58 Na­rinig ng mga kapit­bahay at mga ka­mag-anakan niya kung gaano nagdalang-awa sa kanya ang Pa­nginoon kayat nakigalak sila sa kanya. 

59 Nang ikawalong araw na, duma­­ting sila pa­ra tuliin ang sanggol at pa­nga­­­nga­lanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. 60 Su­magot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” 61 Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka na­mang ka­mag-anak na may ganyang pangalan.” 62 Kaya sumenyas sila sa ama ng sang­­gol kung ano ang gusto niyang itawag dito. 63 Humingi siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang pangalan niya.” 64 Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Na­ka­pagsa­lita siya at nagpuri sa Diyos. 

65 Kaya namayani ang banal na pag­katakot sa kanilang mga kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pang­ya­­yaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. 66 Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mang­yayari sa sanggol na ito?” Dahil suma­sa­kanya ngang talaga ang kamay ng Panginoon.

No comments: