5 Si Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. 6 Si Jese ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang naging maybahay ni Urias ang kanyang ina.
7 Si Solomon ang ama ni Rehoboam na ama ni Abias, at sumunod naman ang mga haring sina Asa, 8 Yosafat, Yoram, Ocias, 9 Yoatan, Ahaz, Ezekias, 10 Manases, Amon at Yosias. 11 Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. 12 Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia – si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel.
13 Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si
Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. 14 Si Azor ang ama ni Sadok, si
Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si
Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. 16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang
asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. 17 Kaya
may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David at labing-apat
mula kay David hanggang sa pagkatapon sa Babilonia at labing-apat din
hanggang sa Kristo.
No comments:
Post a Comment