23 Pagpasok ni Jesus sa Templo, lumapit
sa kanya ang mga punong-pari, mga guro ng Batas at mga Matatanda ng mga Judio,
at nagtanong: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagtalaga sa
iyo?” 24 Sinagot sila ni Jesus: “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong.
At kung may sagot kayo, sasagutin ko kayo kung sino ang nagtalaga sa akin para
sa mga ito.
25 Saan galing ang pagbibinyag ni
Juan, sa Diyos ba o sa tao?” At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating
galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala sa kanya?’ 26 At
kung sasabihin naman nating ‘Galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan,’
dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila’y tunay na propeta si Juan.”
27 Kaya sinabi nila kay Jesus: “Hindi namin alam.” At sinabi sa kanila ni
Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na
gumawa ng mga ito.”
No comments:
Post a Comment