Sinabi ni Jesus sa mga tao 16 Ngayon,
kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo
sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila:
17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at
nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’
18 Ganito rin ang nangyari: Dumating
muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’
19 At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng
mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga
makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunungan ng Diyos sa mga
gawa nito.”
No comments:
Post a Comment