Sinabi ni Jesus sa mga tao 11 Talagang sinasabi ko sa inyo,
walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang
tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit.
12 Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng
Langit ay kailangang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito.
13 Pagpopropesiya
nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. 14 At
kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating.
15 Makinig ang may tainga.
No comments:
Post a Comment