Tuesday, October 13, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 16, Biyernes; sa Ika-28 na Linggo ng Taon: Lucas 12:1-7


Mabuting Balita: Lucas 12:1-7
1 Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat muna kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pag­ku­kunwari.  

2 Walang tinatakpan na di mabu­bun­yag, walang natatago na di malalaman. 3 Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibi­nulong ninyo sa mga kuwarto, sa bu­bu­­ngan ipahahayag. 

4 Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong kata­kutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. 5 Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may ka­pangyarihan pang mag­bulid sa impiyer­no. 

Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang kata­kutan ninyo. 6 Di ba’t ipinag­bibili nang dala­wang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan ng Diyos. 7 Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag ka­yong matakot; mas maha­laga pa kayo kaysa maraming maya.

No comments: