4 Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’ 5 Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pumunta sa kanyang taniman, at sa kanyang negosyo naman ang isa pa.
6 Sinunggaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. 7 Lubhang nagalit ang hari kayat ipinadala niya ang kanyang hukbo para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. 8 At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.
9 Pumunta kayo ngayon sa dulo ng lunsod at anyayahan sa kasalan ang bawat makita ninyo.’ 10 Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. 11 Pagkatapos ay dumating ang hari para tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya ang isang lalaking hindi nakadamit pampiyesta.
12 Kaya sinabi niya sa kanya:
‘Kaibigan, paano ka nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik
ang tao. 13 Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang
mga kamay at paa, at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng
mga ngipin.’• 14 Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili.”
No comments:
Post a Comment