Friday, October 02, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Oktubre 4, Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 21:33-43


Mabuting Balita: Mateo 21:33-43
Sinabi ni Jesus sa mga Punong-pari at matatanda ng mga Judio: 33 Makinig kayo sa isa pang halim­ba­wa: May isang may-ari ng bahay na nag­tanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pina­upahan niya ang ubasan sa mga magsa­saka at naglakbay sa ma­layo. 34 Nang malapit na ang panahon ng anihan, pina­punta ng may-ari ang kanyang mga katu­long sa mga mag­sasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. 35 Ngunit si­nung­gaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.

36 Nagpadala uli ang may-ari ng ma­rami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. 37 Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aaka­lang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 38 Ngunit nang makita ng mga magsa­saka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang taga­pag­mana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ 39 Kaya sinunggaban nila siya, at pina­layas sa ubasan at pinatay.

40 Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” 41 Sinabi nila sa kan­ya: “Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.” 42 At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasu­latan? ‘Naging panulu­kang bato ang tinanggihan ng mga taga­pagtayo. Gawa ito ng Pangi­noon; at ka­hanga-hanga ang ating nakita.’ 43 Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapag­papalago nito.

No comments: