Tuesday, September 15, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 17, Huwebes; sa Ika-24 na Linggo ng Taon: Lucas 7:36-50


Mabuting Balita: Lucas 7:36-50
36 Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo na makisalo sa kanya kaya pumasok siya sa bahay ng Pariseo at humilig sa sopa para kumain. 37 Nga­yon, may isang babae sa bayang iyon na itinuturing na makasalanan. Nang malaman nitong si Jesus ay nasa hapag sa bahay ng Pariseo, nagdala ito ng paba­ngong nasa sisidlang alabastro. 38 Tumayo siya sa likuran, sa may paa­nan ni Jesus at umiyak. Tumulo ang kanyang mga luha sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kanyang buhok, at hinagkan at pinahiran ng pabango.

39 Nang makita ito ng Pariseong ku­mumbida sa kanya, naisip nito: “Kung propeta ang taong ito, malalaman niya kung sino ang babaeng ito at anong uri ng tao ang humihipo sa kanya – isa ngang makasalanan!” 40 Ngunit nagsalita sa kanya si Jesus: “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Su­magot ito: “Guro, magsalita ka.” 41 At si­nabi niya: “May dalawang may utang sa isang taong nagpapautang. Limandaang salaping pilak ang utang ng isa at limam­pu naman ang sa isa pa. 42 Ngu­nit wala silang maibayad kaya kapwa niya sila pina­tawad. Ngayon, sino sa kanila ang magmamahal sa kanya nang higit?”

43 Sumagot si Simon: “Sa palagay ko’y ang pinatawad niya ng mas malaki.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Tama ang hatol mo.” 44 At paglingon niya sa babae, sinabi niya kay Simon: “Nakikita mo ba ang babaeng ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa ngunit binasa niya ng kanyang luha ang aking mga paa at pinunasan ito ng kanyang buhok. 45 Hindi mo ako hinagkan ngunit mula nang pumasok siya’y wala nang tigil ang kahahalik     niya sa aking mga paa. 46 Hindi mo pi­na­­hiran ng langis ang aking ulo ngunit binu­husan niya ng paba­ngo ang aking mga paa. 47 Kaya sinasabi ko sa iyo, pina­ta­tawad na ang ma­rami niyang kasa­lanan dahil nagmahal siya nang ma­laki. Ngunit nagmamahal lamang nang kaunti ang pinatatawad nang kaunti.”

48 At sinabi naman ni Jesus sa babae: “Pinatatawad ang iyong mga kasala­nan.” 49 At nagsimulang mag-isip ang mga nasa hapag: “At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!” 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae: “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; humayo ka sa kapayapaan.”

No comments: