Mabuting
Balita: Lucas 6:43-49
Sinabi ni Jesus sa mga alagad, 43 Hindi
makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi
maka¬pa¬mumu¬nga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi
makapi-pitas ng igos mula sa tinikan ni maka¬aani ng ubas mula sa dawagan. 45
Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa
kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang
kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang uma¬apaw mula sa puso.
46 Bakit pa ninyo ako tinatawag na
‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? 47
Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at
tumutupad nito. 48 May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim
at sa batuhan inilagay ang mga pun¬dasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos
ang bahay na iyon pero wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang
pagkakatatag niyon. 49 At kung may nakaririnig ngunit di naman nagsasagawa,
matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang
pundasyon. Hinam¬pas ito ng agos at kaagad bu-magsak. Anong laki ng pagkawasak
ng bahay na iyon!”
No comments:
Post a Comment