Mabuting
Balita: Lucas 6:39-42
39 Sinabi ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga:
“Puwede nga kayang akayin ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila
mahuhulog sa kanal? 40 Hindi higit sa kanyang guro ang alagad. Magiging katulad
ng kanyang guro ang ganap na alagad.
41 Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong
kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. 42 Paano mo masasabi sa iyong
kapatid: ‘Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong
hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang
troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang puwing sa mata
ng kapatid mo.
No comments:
Post a Comment