Mabuting Balita: Juan 3:13-17
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo: 13 Walang umakyat sa
langit maliban sa bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao. 14 At kung paanong
itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao 15
upang mag¬karoon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya. 16
Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong
na anak upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng
buhay magpa¬kailanman. 17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang
hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.
No comments:
Post a Comment