Monday, September 7, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 10, Huwebes; Sa Ika-23 Linggo ng Taon: Lucas 6:27-38


Mabuting Balita: Lucas 6:27-38
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 27 Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig: mahalin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, 28 pagpalain nin¬yo ang mga sumusumpa sa inyo, ipagdasal ninyo ang tumatrato sa inyo nang masama. 29 Sa sumasampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Sa umaagaw ng iyong kamiseta, huwag mong itanggi ang iyong sando. 30 Magbigay ka sa sinumang humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang hingin pa uli. 31 Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.

32 Kung minamahal ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ginagawa ninyo ang mabuti sa mga gumagawa nito sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Iyon din ang ginagawa ng mga makasalanan. 34 Kung nagpapautang kayo sa mga inaasahan ninyong makapagbabayad, ano ang kahanga-hanga roon? Nagpapautang din ang mga makasalanan sa mga makasa¬lanan para matanggap ang katumbas.

35 Sa halip ay mahalin ninyo ang inyong mga kaaway; gumawa kayo ng mabuti at magpautang na walang ina¬asahang anuman. Kaya gagantimpalaan kayo nang malaki at magiging mga anak ng Kataas-taasan dahil butihin siya sa mga walang-utang-na-loob at masasama. 36 Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.

37 Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sum¬pain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo’y patatawarin. 38 Magbigay kayo, at kayo’y bibigyan – isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang mabubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang gina¬gamit ninyo.

No comments: