Sunday, September 6, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 9, MIyerkules; San Pedro Claver, pari at relihiyoso: Lucas 6:20-26


Mabuting Balita: Lucas 6:20-26
20 Tumingala noon si Jesus sa kanyang mga alagad at sinabi: “Mapapalad kayong mga dukha sa­pag­kat sa inyo ang kaharian ng Diyos. 21 Mapapalad kayong mga nagu­gu­tom ngayon sapagkat bubusugin kayo. Mapapalad kayong mga umiiyak nga­yon sapagkat tatawa kayo.

22 Mapapalad kayo kapag kinapopo­otan kayo ng mga tao at itinatakwil at iniinsulto, at sinisiraang-puri dahil sa akin. 23 Magsaya kayo at lubos na ma­ga­­­lak sa araw na iyon sapagkat malaki ang inyong gantimpa­lang nasa Diyos; gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

24 Ngunit sawimpalad kayong mayaya­man sapagkat tinatamasa na nin­yo ang inyong ginhawa! 25 Sawimpalad kayong mga busog nga­yon sapagkat magugutom kayo! Sawimpalad kayong humahalakhak ngayon sapagkat magluluksa kayo’t iiyak! 26 Sawimpalad kayo kapag pinag-uusapan kayo nang mabuti ng lahat ng tao dahil ganoon din ang ginawa ng ka­nilang mga ninuno sa mga bulaang pro­peta.

No comments: