Mabuting
Balita: Mateo 1:1-16, 18-23
1 Ito ang
libro ng pinagmulan ni Jesucristo, anak ni David at anak ni Abraham. 2 Si
Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda
at ng kanyang mga kapatid. 3 Si Juda ang ama nina Parez at Zerah (si Tamar
ang kanilang ina), si Parez ang ama ni Esron, at si Esron ni Aram. 4 Si
Aram naman ang ama ni Aminadab, si Aminadab ni Naason, si Naason ni Salmon.
5 Si
Salmon ang ama ni Boaz, at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boaz ang ama ni
Obed, si Ruth ang kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese. 6 Si Jese
ang ama ni David na hari. Si David ang ama ni Solomon, at ang naging maybahay
ni Urias ang kanyang ina.
7 Si
Solomon ang ama ni Rehoboam na ama ni Abias, at sumunod naman ang mga haring
sina Asa, 8 Yosafat, Yoram, Ocias, 9 Yoatan, Ahaz, Ezekias,
10 Manases, Amon at Yosias. 11 Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng
kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. 12 Pagkatapos
naman ng pagkatapon sa Babilonia – si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni
Zorobabel.
13 Si
Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor.
14 Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud.
15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob.
16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni
Jesus na tinawag na Kristo.
18 Ganito
ipinanganak si Jesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si
Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng
Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang
kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya.
20 Habang
iniisip-isip niya ito, napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon
at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria
bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, 21 at manganganak
siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanan mong Jesus sapagkat siya
ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.”
22 Nangyari
ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng
Propeta: 23 “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na
lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.”
No comments:
Post a Comment