Friday, September 4, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 7, Lunes; sa Ika-23 Linggo ng Taon: Lucas 6:6-11


Mabuting Balita: Lucas 6:6-11
6 Sa iba namang Araw ng Pahinga, puma­sok siya sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang ka­may. 7 Pinagmamasdan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagali­ngin ito ni Jesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya.

8 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang ini­isip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. 9 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Mata­nong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, guma­wa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” 10 Ti­ningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong ka­may.” Ginawa niya ito at guma­ling ang kanyang kamay. 11 Galit na galit naman sila at magka­kasamang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Jesus.

No comments: