Wednesday, September 2, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 5, Sabado; sa Ika-22 Linggo ng Taon: Lucas 6:1-5


Mabuting Balita: Lucas 6:1-5
1 Isang Araw ng Pahinga, naglalakad si Jesus sa bukirin ng trigo. Nangyari na hinimay ng kanyang mga alagad ang mga butil sa pagkiskis sa kani­lang mga kamay, at kinain ang mga ito. 2 Sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit ninyo gina­gawa ang ipinagba­bawal sa Araw ng Pa­hi­nga?”

3 Ngunit nag­salita si Jesus at sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? 4 Pumasok siya sa Bahay ng Diyos, kinuha ang tinapay na inihain para sa Diyos,    kinain ito at binigyan pa ang kanyang mga kasamahan, gayong bawal itong kainin ninuman liban sa mga pari.” 5 At sinabi pa niya sa kanila: “Panginoon ng Araw ng Pahinga ang Anak ng Tao.”

No comments: