Tuesday, September 1, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 2, Miyerkules sa Ika-22 Linggo ng Taon: Lucas 4:38-44


Mabuting Balita: Lucas 4:38-44
38 Pag-alis niya sa sinagoga, nag­punta si Jesus sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pina­kiusapan nila si Jesus tungkol sa kanya. 39 Pag­kayuko ni Jesus sa kanya, inutusan ni Jesus ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad si­yang tumindig para maglingkod sa kanila.

40 Paglubog ng araw, dinala naman kay Jesus ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamda­man. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinaga­ling sila. 41 Lu­mabas ang mga demonyo mula sa mara­ming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinata­tahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas.

• 42 Nang mag-uumaga na, luma­bas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na ma­ka­alis pa siya sa kanila. 43 Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang mabuting balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” 44 At nag­patuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.

No comments: