Thursday, September 3, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Setyembre 6, Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 18:15-20


Mabuting Balita: Mateo 18:15-20
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 15 Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. 16 Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para luta­sin ang kaso sa pagsaksi ng da­lawa o tatlo. 17 Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabi­hin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin siya ma­kikinig sa Iglesya, itu­ring siyang pagano o publikano.

18 Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian ninyo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan ninyo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. 19 Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagka­­­kaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. 20 Sapagkat kung saan may dala­wa o tatlong nagkakatipon sa Ngalan ko, kapiling nila ako.” 

No comments: