Monday, August 31, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 1, Martes sa Ika-22 Linggo ng Taon: Lucas 4:31-37


Mabuting Balita: Lucas 4:31-37
31 Bumaba si Jesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. 32 At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan.

33  May isang tao sa sinagoga na ina­alihan ng maruming demon­yo, na sumi­gaw nang malakas: 34 “Ah, ano ang paki­alam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!” 35 Ipi­nag-utos naman sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” Pagkatapos ibu­lagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. 36 Nagtaka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Naka­pag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangya­rihan at lakas, at lumalabas sila!” 37 Kayat kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kaba­yanan.

No comments: