Sunday, August 30, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 31, Lunes sa Ika-22 Linggo ng Taon: Lucas 4:16-30


Mabuting Balita: Lucas 4:16-30
16 Pagdating ni Jesus sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, 17 at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias.

Sa paglaladlad niya sa rolyo, natag­puan niya ang lugar kung saan nasu­sulat: 18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Pangi-noon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilang­go, sa mga bulag ang pagkabawi ng pa­ni­ngin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, 19 at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”

20 Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At naka­tuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sina­goga. 21 Sinimulan niyang magsalita sa ka­nila: “Isinaka­tuparan ang Kasula­tang ito ngayon ha­bang naki­kinig kayo.”

22 At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nangga­ling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” 23 Nagsalita si Jesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, paga­lingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum’.”

24 At idinagdag niya: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. 25 Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapana­hunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kala­hating taon at nagkaroon ng matin­ding taggutom sa buong lupain. 26 Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa baba­eng balo ng    Sarepta sa may Sidon. 27 Marami ring may­ketong sa Israel sa kapana­hunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinaga­ling kundi ang Siriong si Naaman.”

28 Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, 29 tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na ki­na­­­ta­tayuan ng kanilang bayan para ihu­log. 30 Ngunit du­maan siya sa gitna nila at umalis.

No comments: