Sunday, August 23, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 25, Martes sa Ika-21 Linggo ng Taon: Mateo 23:23-26


Mabuting Balita: Mateo 23:23-26
23 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapag­kun­wari! Hindi ninyo nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagba­bayad ninyo ng ikapu, ngunit hindi ninyo tinu­tupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang kataru­ngan, awa at pana­nam­palataya. Ito ang nara­rapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. 24 Mga bulag na tagaakay! Sina­sala ninyo ang lamok, pero nilulunok ang kamel­yo.

25 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapag­kun­wari! Nililinis ninyo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno naman ninyo ang loob ng pagnanakaw at karahasan. 26 Bu­lag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob, at lilinis din ang labas.

No comments: