Mabuting
Balita: Lucas 1:26-38
26 Sa
ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea
na tinatawag na Nazaret. 27 Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo
na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria
naman ang pangalan ng birhen. 28 Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya:
“Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.” 29 Nabagabag
naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating
ito.
30 At
sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang
niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka at manganganak
ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. 32 Magiging dakila siya at
tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong
Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David.
33 Maghahari
siya sa angkan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang walang katapusan ang
kanyang paghahari.” 34 Sinabi ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari
ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel:
“Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng
Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos.
36 At
nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang
katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na.
37 Wala ngang imposible sa Diyos.”
38 Sinabi
naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
No comments:
Post a Comment