Pope Francis (1936-2025)

Eternal rest grant unto Pope Francis ( Jorge Mario Bergoglio) O Lord, and let perpetual light shine upon him. May his soul, and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.

Sunday, August 16, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 18, Martes sa Ika-20 na Linggo ng Taon: Mateo 19:23-30


Mabuting Balita: Mateo 19:23-30
23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Talagang sinasabi ko sa inyo: mahirap makapasok ang mayaman sa kaharian ng Langit. 24 Oo, mani­wala kayo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa puma­sok ang isang mayaman sa kaha­rian ng Langit.”

25 Nang marinig ito ng mga alagad, namangha sila at sinabing “Kung gayon, sino ang maliligtas?” 26 Tini­tigan sila ni Jesus at sumagot: “Impo­sible ito para sa tao; pero para sa Diyos, lahat ay posible.” 27 Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo: ano naman ang para sa amin?”

28 Sumagot si Jesus: “Talagang sinasabi ko sa in­yong mga sumunod sa akin:  sa Araw ng Pagbabago, pag upo ng Anak ng Tao sa kanyang trono nang buong luwalhati, uupo rin kayo sa labin­dalawang trono para maghari sa labin­dalawang tribu ng Israel. 29 At ang mag-iwan ng mga tahanan, mga kapatid, ama at ina, mga anak o mga bukid alang-alang sa ngalan ko, ta­tang­gap siya ng sandaang beses at maka­kamit ang buhay na wa­lang hanggan. 30 May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli na­man na mauuna.

No comments: