Pope Francis (1936-2025)

Eternal rest grant unto Pope Francis ( Jorge Mario Bergoglio) O Lord, and let perpetual light shine upon him. May his soul, and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.

Monday, August 10, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 14, Biyernes San Maximiliano Mary Kolbe: Mateo 19:3-12


Mabuting Balita: Mateo 19:3-12
3 Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo na hangad siyang subukan, at tinanong nila siya: “Pinahihintu­lutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahi­lan?”

4 Sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo na­basa na sa simula’y ginawa sila ng May­kapal na lalaki at babae, 5 at sinabi rin nitong iiwanan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at pipisan sa kan­yang asawa, at magiging iisang katawan ang dalawa? 6 Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang; kaya huwag pag­hiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.”

7 At sinabi nila: “Kung gayon, bakit ini­utos ni Moises na bigyan ang babae ng kasulatan ng diborsiyo bago siya pa­alisin?” 8 Sinabi naman niya sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya pinayagan kayong diborsiyuhin ang inyong mga asawa, ngunit hindi ganito sa simula. 9 At sinasabi ko naman sa inyo: kung may magpaalis sa kanyang asawa, mali­ban kung dahil sa pag­tataksil, at saka magpakasal sa iba, naki­apid na siya.”

10 Sinabi naman ng mga alagad: “Kung iyan ang itinatadhana para sa lalaking may-asawa, walang pakinabang sa pag-aasawa.” 11 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi matatanggap ng lahat ang salitang ito, kundi ng mga pinagkalooban lamang nito. 12 May ilang ipina­nganak na hindi maka­pag-aasawa. May iba namang ipinakapon ng tao. At may iba ring tuma­likod sa pag-aasa­wa alang-alang sa kaha­rian ng Langit. Tanggapin ito ng puwe­deng tumanggap.”

No comments: