Mabuting Balita: Mateo 13:24-30
24 Binigyan sila ni Jesus ng isa
pang talinhaga. “Naihahambing ang kaharian ng Langit sa isang taong naghasik
ng mabuting buto sa kanyang taniman. 25 At samantalang natutulog ang mga
tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masamang damo ang taniman ng
trigo at saka umalis.
26 Nang tumubo ang mga tanim at
nagsimulang mamunga ng butil,
naglitawan din ang masasamang damo. 27 Kaya lumapit sa may-ari ang
mga katulong at sinabi: ‘Ginoo, di ba’t mabubuting buto ang inihasik mo sa
iyong bukid, saan galing ang mga damo?’
28 Sinagot niya sila: ‘Gawa ito ng
kaaway.’ At tinanong naman nila siya: ‘Gusto mo bang bunutin namin ang mga
damo?’ 29 Sinabi niya sa kanila: ‘Huwag, at baka sa pagbunot ninyo sa mga
damo e mabunot pati ang trigo. 30 Hayaan ninyo na sabay silang tumubo
hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin muna ninyo ang
mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at tipunin
sa aking kamalig.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment