Sunday, July 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 8, Miyerkules; Ika-14 Linggo ng Taon: Mateo 10;1-7


Mabuting Balita: Mateo 10:1-7
1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at bi­nigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming  espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at ka­ram­daman.

2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; 3 sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tag­a­si­ngil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; 4 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.

5 Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag ka­yong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Sama­ritano. 6 Hana­pin ninyo ang nawawa­lang tupa ng sambayanan ng Israel. 7 Ipahayag ang mensaheng ito sa in­yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha­rian ng Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: