Sunday, July 5, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 7, Martes; Ika-14 Linggo ng Taon: Mateo 9:32-38


Mabuting Balita: Mateo 9:32-38
32 Nang makaalis na ang mga ito, may nagdala naman kay Jesus ng isang lala­king pipi na inaalihan ng demonyo. 33 Nang mapalayas niya ang demonyo, nakapag­salita ang pipi kaya namangha ang mga tao at kanilang sinabi: “Wala pang nang­yaring ganito sa Israel.” 34 Ngu­nit sinabi naman ng mga Pariseo: “Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.”

• 35 At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabu­ting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lu­pay­pay na parang mga tupang walang pastol. 37 At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at ka­kaunti naman ang mga manggagawa. 38 Ida­langin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: