Mabuting Balita: Mateo 13:31-35
31 Binigyan
sila ni Jesus ng isa pang talinhaga: “Naikukumpara ang kaharian ng Langit sa
isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang bukid.
32 Pinakamaliit
ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay, at parang isang
puno – dumarating ang mga ibon ng langit at dumadapo sa mga sanga nito.”
33 At sinabi ni Jesus ang iba pang talinhaga: “Naikukumpara ang kaharian
ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng
harina hanggang umalsa ang buong masa.”
• 34 Itinuro
ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi
siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. 35 Kaya
natupad ang sinabi ng Propeta: “Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako
ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment