Mabuting
Balita: Juan 20:1-2, 11-18
1 Ngayon,
pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa libingan
si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan,
2 patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni
Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at
hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”
11 Nakatayo
namang umiiyak sa labas si Maria sa may libingan. Sa kanyang pag-iyak, yumuko
siyang nakatanaw sa libingan. 12 At may napansin siyang dalawang anghel
na nakaputi na nakaupo, isa sa may ulunan at isa sa may paanan ng pinaglagyan
sa katawan ni Jesus.
13 Sinabi
sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka umiiyak?” Sinabi niya sa kanila: “May
kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagay.” 14 Pagkasabi
niya nito, tumalikod siya at napansin niya si Jesus na nakatayo pero hindi
niya nakilalang si Jesus iyon. 15 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ale, bakit ka
umiiyak? Sino’ng hinahanap mo?” Sa pag-aakala niyang iyon ang hardinero, sinabi
niya sa kanya: “Ginoo, kung kayo ang nagdala sa kanya, sabihin n’yo sa akin
kung saan n’yo siya inilagay at kukunin ko siya.”
16 Sinabi
sa kanya ni Jesus: “Maria!” Pagkaharap niya’y sinabi niya sa kanya sa
Aramaiko: “Rabbouni!” (na ibig sabihi’y Guro). 17 Sinabi sa kanya ni
Jesus: “Huwag kang humawak sa akin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama.
Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: ‘Paakyat ako sa Ama ko at
Ama ninyo, sa Diyos ko at Diyos ninyo.’” 18 Pumunta si Maria Magdalena na
ibinabalita sa mga alagad: “Nakita ko ang Panginoon.” At sinabi niya ang mga
sinabi sa kanya.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment