Mabuting
Balita: Mateo 12:14-21
14 Pagkalabas
ng mga Pariseo, nag-usap-usap sila kung paano nila siya masisiraan.
15 Nalaman ito ni Jesus kaya lumayo siya sa lugar na iyon. Maraming tao
ang sumunod sa kanya. Pinagaling niya ang lahat ng maysakit 16 ngunit
inutusan niya sila na huwag siyang ipamamalita.
17 Kaya
natupad ang sinabi ni Isaias, ang propeta: 18 “Narito ang utusan ko na
aking pinili, ang mahal ko na siya kong kinalulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang
aking Espiritu at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya. 19 Hindi
siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang
tinig. 20 Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang
aandap-andap na mitsa. Hindi siya titigil hanggang magwagi ang katarungan.
21 Ang kanyang pangalan ang inaasahan ng lahat ng bansa.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment