Wednesday, July 15, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 17, Biyernes; Ika-15 na LInggo ng Taon: Mateo 12:1-8


Mabuting Balita: Mateo 12:1-8
1 Naglakad noon si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. 2 Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, guma­gawa sila ng ipinagba­bawal sa Araw ng Pahinga!”

3 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kan­yang mga kasama? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. 5 At hindi ba ninyo nabasa sa Ba­tas na sa Araw ng Pahi­nga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito?

6 Sinasabi ko naman sa inyo: Dito’y may mas dakila pa sa Templo. 7 Kung nau­u­nawaan ninyong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang walang-sala. 8 At isa pa’y ang Anak ng Tao ang Pangi­­noon ng Araw ng Pahinga.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: