Monday, July 6, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 11 , Sabado; San Benito, abad (Paggunita): Mateo 10:24-33


Mabuting Balita: Mateo 10:24-33
Sinabi ni Jesus sa labindalawa  24 Hindi daig ng alagad ang kanyang guro, o ng utusan ang kan­yang amo. 25 Sa­pat nang tularan ng alagad ang kanyang guro, at ng utusan ang kanyang amo. Kung tinawag na Beelzebul ang may-ari ng bahay, ano pa kaya ang kan­­yang mga kasam­bahay! Kaya huwag kayong matakot sa kanila.

26 Walang tinatakpan na di nabubun­yag at walang natatago na di naha­ha­yag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipa­hayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong. 28 Huwag matakot sa mga naka­papatay ng katawan ngunit hindi ng kalu­luwa. Matakot kayo sa may ka­pang­yarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. 29 Nabi­bili ang maya nang dalawa isang pera, pero wala isa mang buma­bag­sak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. 30 At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. 31 Kaya huwag ka­yong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya.

32 Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. 33 At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: