Thursday, July 30, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 1, Sabado ; San Alfonso Ligorio Obispo at pantas ng Iglesia: Mateo 14:1-12


Mabuting Balita: Mateo 14:1-12
1 Umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Jesus. 2 At sinabi niya sa kanyang mga kasambahay: “Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang maka­langit na kapangyarihan.”

3 Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at iku­long dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. 4 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi mo siya puwe­deng ma­ging asawa.” 5 Talaga ngang gusto ni Herodes na patayin siya, pero takot siya sa mga tao na kumi­­kilala kay Juan bilang isang propeta.

6 Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si Herodes sa kanya. 7 Kaya si­numpaan niya ang isang pangako na ibi­bigay sa kanya ang anumang hingin niya. 8 At sinabi ng babae ayon sa turo ng kan­yang ina: “Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.”

9 Nasaktan ang hari ngunit napanum­paan na niya ang pangako sa harap ng mga bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. 10 At  pinapugutan niya ng ulo si Juan sa kulu­ngan; 11 inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng babae sa kanyang ina. 12 At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang katawan at inilibing. At pagka­tapos ay ibinalita ito kay Jesus.

No comments: